Huwebes, Enero 11, 2018
Kailangan ka ng Industriyang Ito
Ako nga pala si Mac, hindi ko tunay na pangalan. I've been in the industry for eight years, and my longest stay in a company is five years and three months.
I started as a crew in Jollibee Quiapo, dun sa may MCP, hello nga pala sa mga taga MCP!!!
I stayed for two years, considerably long na rin kasi most of the crews were only staying for five months, as they're contractual lang naman. Yun, na nga, ilang beses ako nag apply, Convergys, Convergys, Convergys, Sitel, Owtel PH, Stream, ExcelAsia, Telus, IBM, and finally were I got hired, Teleperformance.
Hindi naman naging madali ang pagkakapsok ko sa industry, pero ang paniniwala ko, iniadya din talaga ng panginoon na sa pang 11th kong pag apply, dun ako makakapasok. I even considered taking a training class for three weeks sa English Chatroom sa Ususan, Taguig, harapan ng city hall, doon pa kasi ako nakikitira sa tita na may asawang pulis nun.
Then after ng pinagpalang pagkakapasa ko sa Telperformance, everything just went smooth, honestly, nakakakot, nakakaba, at ilang beses ako nagdownload sa banyo, dahil para akong may butterfly sa tyan, tuwing lalabas ang recruiter at may dalang papel, in the end, after ng isang buong araw ng pagproseso, I got hired, as a Technical Support Representative. Yes, first time, high school graduate, walang technical background, ambisyon lang ang meron ako, ang matulungan ko ang sarili ko makatapos sa pag aaral.
November 23, 2009, that was my start date for training, ang nakahanda na ako lumaban, kung makikita nyo lang ako nung nag start ako. I only weigh 49 kg at ang height ko is 5'5'' lang. I am so malnourished, service crew eh. That's why saludo ako sa lahat ng service crew, kahit ano pang fast food chain yan, sobrang hirap diba? Puyat, pagod, gutom kasi isang meal kalang naman, tapos underpaid kapa, kasi considered ka as scholar lang, hindi empleyado.
First week, we underwent a thorough training for American culture, and American language, so we can pass "BERLITZ". Yes, caps lock! Bold! Para intense, dahil sobrang nakakatense, just after two weeks of training, tumulo ang pinakaunang luha na iniluha ko. Hindi ako nakapasa, syempre terminated na ako. Gumuho, parang kastilyong buhangin, ni Rey Valera, siya ba singer nun, well I forgot na.
Akala ko naman kasi yun na talaga, ang ganda ng offer ko eh, para akong hindi newbie, tapos yun pala, pangdalawang linggong sahod lang. :(.
Well, hindi God is so great, hindi yun ang naging katapusan ng kwento. We were all advised to went to the recruitment office and get a new offer, so that was the time that we all get divided, napunta na ako sa CSR, siyempre bumaba na offer ko, but the best thing here is, morning shift na ako.
After a month, certified agent narin ako, pero syempre, hindi mawawala ang isang buwan na nesting period. Ayun, blessed talaga ako, kasi nakapasa ako kahit na sobrang hindi naman ako kapasa pasa. Well, I did not even understood the customer, and I even have to retake it twice just to let my trainer gauge, how well versed I am, but unfortunately, wala talaga ako naging maayos na call. Salamat Miss Jen, ipinasa mo ako.
Ayun na, simula na ang laban para sa regularization. Well unang company ko to, na mayroong regularization, I got regularized and was given a chance to get transferred to technical support department. I was so happy, yes, kasi in a span of five months ko sa CSR, nahulog ako sa kapwa ko bakla, pero meron siyang partner, and yes, I was my gosh, shubet, eh ano gagawin ko napangakuan ako nag hihiwalayan niya yung jowa nya eh. Doon na tumulo ang pangalawang pagluha ko while in this industry, well bilangan tayo mga besh. Hindi po ako iyakan, just to let you know.
Yun, expect mo rin na walang permanente, laging may pagbabago sa industriya, at sa mga karelasyon mo, ngayon CSR ka bukas Tech kana, minsan vise versa, and worst case scenario, bukas terminated kana.
Yes, after a couple of months, I received a news that I everyone who are from Norther Luzon will have the chance to be transferred to SM Fairview branch, God is so great! From 250 pesos na pamasahe alone, magiging 80 pesos nalang, what a big change for my life, and for my finances, there, I only stayed for two months and I become one of the SME and evetually naging supervisor ng isang team, pero hindi naman nakapangalan sakin, kasi wala parin naman confirmation of my post.
Gaya ng sabi ko, maraming pagbabago, TSR ngayon, bukas SME ka, susunod Supervisor kana! Tadaaaa!! Haha. Ang saya ko promise, kasi honestly, ambaba kaya ng tingin ko sa sarili ko, kasi nga hindi naman ako nakatapos ng kolehiyo, then I am handling college graduates, and even my English was so bad, hindi gaya ngayon, alam kong kakayanin ko makapagjoke at maiintindihan ng konti ng team mates at customer ko. Bwahaha, naranasan mo narin ba mag joke sa customer tapos hindi nya naintindihan? Well, I was cursed by the customer, kasi akala nya pinagtatawanan ko yung pagkawala ng internet nya. Bwahaha.
Ayun na nga, limang buwan din ang tinagal ko sa posisyon na yun, at dahil matigas na ulo ng mga hawak kong ahente nun and they really don't respect me at all, I got demoted, from my SME/ Supervisor post back to Technical Support agent, yes naging ahente ulit ako, but not like everyone, magreresign agad, hello girl! Malaki laki na sahod ko nu, gawa ng appraisals ko na mataas, haha. Ayun, nag ahente ako, and just after a month, I decided to become a working student again.
I studied BS Psychology at Our Lady of Fatima University, paaralan ng mayayaman, magaganda at nagkukumahog grumadweyt katulad ko. Kung taga Fatima ka, kampay! Hello, Fatimanians, salamat Mam Joyce and Mam Trish for inspiring me, and showing to me na magand ang kurso na tinapos ko. hihi.
Going back sa usaping "kolsener" dahil dito naka graduate ako, at dito korin nakita ng iba't ibang klase ng tao, manager mong bakla na hindi makapagladlad, pero kapag nalasing nag aaya ng ahente mag check-in, take note lalaki rin po hanap nya bwahahaha. Dating manager ng banko, pero hirap na hirap kapag nag take na ng calls, dating teacher na gusto kumita ng mas malaki kaya pinasok nag industriya, pati narin nga prof at mga dating government employees.
Yes, lahat ng klase ng tao makikita mo dito, pero ang trabaho na to ang pinakaminamaliit, well I don't care, may pampakain ako sa pamilya ko, hindi lang puro pride bwahaha, sorry na, excuse me sa mga bashers ng mga kolseners. Sabi nga ni Maslow, it is the physiological needs muna siguro ang inuuna namin, physiologival need ng buong family namin.
Yes goind back, ayun umabot ako limang taon sa kumpanya, hanggang sa natapos ko ang pag aaral ko, sumabay din ang pagtatapos ng trabaho ko, tinerminate ako ng manager ko, inescalate ko kasi yung supervisor ko na rumored boylet ni sir, ayun, napagtripan nila yung overtime ko, kinasuhan nila ng fraud. Bwahaha. Ayun nasa NLRC ngaun, inaantay ko nalang balita. Salamat sa Labor code at sa Lawyer na humahawak ng kaso, sana manalo tayo ano po para po malektyuran yung manager ko at HR specialist na humawak ng kaso.
Lodi, kapag nasa kolsener ka dapat matibay ka, ang HR ninyo wala syang pakialam sayo, pwera lang sa WIPRO, Teletech at current company ko, I am not sure sa ibang company, kapag nasa hearing ka ididiin ka ng manager mo at ng HR hanggan hindi mo na kayanin at maiyak ka nalang.
Totoong hindi madali ang buhay sa industriyan pinasok ko, pero lagi mo tatandaan, survival of the fittest lang, kasuhan mo ang kumpanya kapag tinerminate ka kahit nagtatrabaho ka ng maayos. Kapag nakita mo naman na pangit na ang pamamalakad ng company, wag ka muna aalis, malay mo naman mamatay yung supervisor mo o manager mo sa sakit sa puso, knock knock haha. Sorry na, sige matanggal nalang sa trabaho.
Lagi mo tatandaan, kailangan ka ng industriyang ito na nabubulok na ang sistema, malaking pasasalamat ko na nga lang na maganda ang mga kumpanyang napuntahan ko after niyang company na yan, dyan pa naman na ako nagkaroon ng kumare at kumpare, at mga kaibigang hindi na nagbabayad ng utang, at bukod sa lahat dyan ko rin nakita ang mga tunay kong kaibigan, na hanggang ngaun kaibigan ko parin. Kampay sa mga bayaning puyat na may tunay kaibigan!!!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)