Call center dream
Huwebes, Enero 11, 2018
Kailangan ka ng Industriyang Ito
Ako nga pala si Mac, hindi ko tunay na pangalan. I've been in the industry for eight years, and my longest stay in a company is five years and three months.
I started as a crew in Jollibee Quiapo, dun sa may MCP, hello nga pala sa mga taga MCP!!!
I stayed for two years, considerably long na rin kasi most of the crews were only staying for five months, as they're contractual lang naman. Yun, na nga, ilang beses ako nag apply, Convergys, Convergys, Convergys, Sitel, Owtel PH, Stream, ExcelAsia, Telus, IBM, and finally were I got hired, Teleperformance.
Hindi naman naging madali ang pagkakapsok ko sa industry, pero ang paniniwala ko, iniadya din talaga ng panginoon na sa pang 11th kong pag apply, dun ako makakapasok. I even considered taking a training class for three weeks sa English Chatroom sa Ususan, Taguig, harapan ng city hall, doon pa kasi ako nakikitira sa tita na may asawang pulis nun.
Then after ng pinagpalang pagkakapasa ko sa Telperformance, everything just went smooth, honestly, nakakakot, nakakaba, at ilang beses ako nagdownload sa banyo, dahil para akong may butterfly sa tyan, tuwing lalabas ang recruiter at may dalang papel, in the end, after ng isang buong araw ng pagproseso, I got hired, as a Technical Support Representative. Yes, first time, high school graduate, walang technical background, ambisyon lang ang meron ako, ang matulungan ko ang sarili ko makatapos sa pag aaral.
November 23, 2009, that was my start date for training, ang nakahanda na ako lumaban, kung makikita nyo lang ako nung nag start ako. I only weigh 49 kg at ang height ko is 5'5'' lang. I am so malnourished, service crew eh. That's why saludo ako sa lahat ng service crew, kahit ano pang fast food chain yan, sobrang hirap diba? Puyat, pagod, gutom kasi isang meal kalang naman, tapos underpaid kapa, kasi considered ka as scholar lang, hindi empleyado.
First week, we underwent a thorough training for American culture, and American language, so we can pass "BERLITZ". Yes, caps lock! Bold! Para intense, dahil sobrang nakakatense, just after two weeks of training, tumulo ang pinakaunang luha na iniluha ko. Hindi ako nakapasa, syempre terminated na ako. Gumuho, parang kastilyong buhangin, ni Rey Valera, siya ba singer nun, well I forgot na.
Akala ko naman kasi yun na talaga, ang ganda ng offer ko eh, para akong hindi newbie, tapos yun pala, pangdalawang linggong sahod lang. :(.
Well, hindi God is so great, hindi yun ang naging katapusan ng kwento. We were all advised to went to the recruitment office and get a new offer, so that was the time that we all get divided, napunta na ako sa CSR, siyempre bumaba na offer ko, but the best thing here is, morning shift na ako.
After a month, certified agent narin ako, pero syempre, hindi mawawala ang isang buwan na nesting period. Ayun, blessed talaga ako, kasi nakapasa ako kahit na sobrang hindi naman ako kapasa pasa. Well, I did not even understood the customer, and I even have to retake it twice just to let my trainer gauge, how well versed I am, but unfortunately, wala talaga ako naging maayos na call. Salamat Miss Jen, ipinasa mo ako.
Ayun na, simula na ang laban para sa regularization. Well unang company ko to, na mayroong regularization, I got regularized and was given a chance to get transferred to technical support department. I was so happy, yes, kasi in a span of five months ko sa CSR, nahulog ako sa kapwa ko bakla, pero meron siyang partner, and yes, I was my gosh, shubet, eh ano gagawin ko napangakuan ako nag hihiwalayan niya yung jowa nya eh. Doon na tumulo ang pangalawang pagluha ko while in this industry, well bilangan tayo mga besh. Hindi po ako iyakan, just to let you know.
Yun, expect mo rin na walang permanente, laging may pagbabago sa industriya, at sa mga karelasyon mo, ngayon CSR ka bukas Tech kana, minsan vise versa, and worst case scenario, bukas terminated kana.
Yes, after a couple of months, I received a news that I everyone who are from Norther Luzon will have the chance to be transferred to SM Fairview branch, God is so great! From 250 pesos na pamasahe alone, magiging 80 pesos nalang, what a big change for my life, and for my finances, there, I only stayed for two months and I become one of the SME and evetually naging supervisor ng isang team, pero hindi naman nakapangalan sakin, kasi wala parin naman confirmation of my post.
Gaya ng sabi ko, maraming pagbabago, TSR ngayon, bukas SME ka, susunod Supervisor kana! Tadaaaa!! Haha. Ang saya ko promise, kasi honestly, ambaba kaya ng tingin ko sa sarili ko, kasi nga hindi naman ako nakatapos ng kolehiyo, then I am handling college graduates, and even my English was so bad, hindi gaya ngayon, alam kong kakayanin ko makapagjoke at maiintindihan ng konti ng team mates at customer ko. Bwahaha, naranasan mo narin ba mag joke sa customer tapos hindi nya naintindihan? Well, I was cursed by the customer, kasi akala nya pinagtatawanan ko yung pagkawala ng internet nya. Bwahaha.
Ayun na nga, limang buwan din ang tinagal ko sa posisyon na yun, at dahil matigas na ulo ng mga hawak kong ahente nun and they really don't respect me at all, I got demoted, from my SME/ Supervisor post back to Technical Support agent, yes naging ahente ulit ako, but not like everyone, magreresign agad, hello girl! Malaki laki na sahod ko nu, gawa ng appraisals ko na mataas, haha. Ayun, nag ahente ako, and just after a month, I decided to become a working student again.
I studied BS Psychology at Our Lady of Fatima University, paaralan ng mayayaman, magaganda at nagkukumahog grumadweyt katulad ko. Kung taga Fatima ka, kampay! Hello, Fatimanians, salamat Mam Joyce and Mam Trish for inspiring me, and showing to me na magand ang kurso na tinapos ko. hihi.
Going back sa usaping "kolsener" dahil dito naka graduate ako, at dito korin nakita ng iba't ibang klase ng tao, manager mong bakla na hindi makapagladlad, pero kapag nalasing nag aaya ng ahente mag check-in, take note lalaki rin po hanap nya bwahahaha. Dating manager ng banko, pero hirap na hirap kapag nag take na ng calls, dating teacher na gusto kumita ng mas malaki kaya pinasok nag industriya, pati narin nga prof at mga dating government employees.
Yes, lahat ng klase ng tao makikita mo dito, pero ang trabaho na to ang pinakaminamaliit, well I don't care, may pampakain ako sa pamilya ko, hindi lang puro pride bwahaha, sorry na, excuse me sa mga bashers ng mga kolseners. Sabi nga ni Maslow, it is the physiological needs muna siguro ang inuuna namin, physiologival need ng buong family namin.
Yes goind back, ayun umabot ako limang taon sa kumpanya, hanggang sa natapos ko ang pag aaral ko, sumabay din ang pagtatapos ng trabaho ko, tinerminate ako ng manager ko, inescalate ko kasi yung supervisor ko na rumored boylet ni sir, ayun, napagtripan nila yung overtime ko, kinasuhan nila ng fraud. Bwahaha. Ayun nasa NLRC ngaun, inaantay ko nalang balita. Salamat sa Labor code at sa Lawyer na humahawak ng kaso, sana manalo tayo ano po para po malektyuran yung manager ko at HR specialist na humawak ng kaso.
Lodi, kapag nasa kolsener ka dapat matibay ka, ang HR ninyo wala syang pakialam sayo, pwera lang sa WIPRO, Teletech at current company ko, I am not sure sa ibang company, kapag nasa hearing ka ididiin ka ng manager mo at ng HR hanggan hindi mo na kayanin at maiyak ka nalang.
Totoong hindi madali ang buhay sa industriyan pinasok ko, pero lagi mo tatandaan, survival of the fittest lang, kasuhan mo ang kumpanya kapag tinerminate ka kahit nagtatrabaho ka ng maayos. Kapag nakita mo naman na pangit na ang pamamalakad ng company, wag ka muna aalis, malay mo naman mamatay yung supervisor mo o manager mo sa sakit sa puso, knock knock haha. Sorry na, sige matanggal nalang sa trabaho.
Lagi mo tatandaan, kailangan ka ng industriyang ito na nabubulok na ang sistema, malaking pasasalamat ko na nga lang na maganda ang mga kumpanyang napuntahan ko after niyang company na yan, dyan pa naman na ako nagkaroon ng kumare at kumpare, at mga kaibigang hindi na nagbabayad ng utang, at bukod sa lahat dyan ko rin nakita ang mga tunay kong kaibigan, na hanggang ngaun kaibigan ko parin. Kampay sa mga bayaning puyat na may tunay kaibigan!!!
Biyernes, Hulyo 17, 2015
Call Center Agent
Pauna: Ang mga susunod na impormasyon at mga details ay walang pinagbasehang researches ngunit isang pangarap lamang para sa mga call center companies.
Taong 2009 nung nag start ako mag call center agent, American owned company na nafranchise ng isang mayaman na negosyante ang company. Sa taong ito rin nag spread ang news about agents being positive with HIV that will lead to AIDS. Yung mother ko that time was so afraid na baka daw mahawa ako kasi daw iisang hangin lang ang nilalanghap namin sa opisin, but eventually that news fades away, and another news came in saying that people working call centers were people na pinakamababa sa lahat ng trabaho (please not quote me on this, I'm not sure the exact word of the person na nagpahayag ng panlalait sa BPO society saying "Call center agent lang").
Sa lahat ng batikos, sa lahat ng panlalait na lumabas, nanatiling umuusbong ang industriya ng call center, yung tipong dating college prof, teacher, bank teller, receptionist, government employee, I.T. at halos ata lahat ng klaseng propesyon, pinapasok ang BPO kapag retired na sila o kaya kapag hindi na nagwork sa kanila yung mga dati nilang trabaho, call center ang takbuhan nila.
Sa mahigit kumulang 10- 15 years na ng industriya sa Pilipinas, mostly ata ng taxes na ginagamit ng gobyerno nanggagaling na sa BPO, sa laki ng offer, malaki rin ang allowances, malaki rin ang tax, lahat pa ng government mandated deductions, halos nakapremium, lalo na ang SSS.
Mga hayok! Hindi sa laman, pero sa kapangyarihan sila naman eh yung mga LOKI (kapatid ni Thor). Dito mo tunay na makikita ang totoong laban ng politika, though wala pa naman akong narinig na pinapatay ni Operations Manager si isang OM o kaya si isang running for Team leader e pinabugbog si isang agent na aspiring din, pero marami na ako nasaksihan na, tipong bestfriend yung dalawang OM pero nung may isa ng ipopromote, e bigla nalang missing in action na yung isang OM na kalaban nya sa posisyon, makikita mo nalang sa NLRC, nag file na ng kaso ng illegal termination, uso nga rin pala ang pork barrel scam, ang kliyenteng American magnibigay ng milyon na budget para incentives, tapos kapag sa oras na dapat ng ibahagi para sa agent, marami ng drama, daig mo pa nanuod ng MMK at Sunday Box Office, lahat ng scenario nangyari, meron yung tipong naholdap kasi si OM habang dala yung incentives, sAsabayan yan ni OM ng ika- ikang paglakad, meron naman si TL bigla nalang ala Gennie, na bigla nalang nawala after hiramin muna yung incentives nungga agent, pero meron din namang mala fairy god mother na OM na talagang ibinabahagi ang incentives ng maayos at pati mismo incentives nila ipapamuod nila sa ahente.
Pero gaya rin ng mga regular na kumpanya, may mga empleyado din na papasok sa trabaho na walang pakialam sa kapangyarihan, basta makakain three times a day, and as long na they can send their children to school, eh okay na! Sila ang wallflower, pero sila ang mga taong masasaya ang buhay call center, unang- una, they treat their co- workers like their family, pangalawa, they work hard and they reap a lot of incentives every end of the month, pangatlo, masaya sila kasi wala naman silang makakaaway na managers or tl, kasi they are like the usual workers of the Philippines, they are good workers, but are not good followers, kasi they don't aim to be a leader.
Meron namang mga ala Ironman/IronwomAn. Dito naman ako nabibilang, studyante sa umaga, call center agent sa gabi, taong tulog mula 4am hanggang 8am, tapos taong bakal na ulit pag gising, lahat ng Vitamins iniinom, para lang maka graduate, pag pasok sa skul, minamaliit ng mga propesor, minsan nga nakarinig pa ako ng word mismo sa prof ko na, "kung mag ko call center agent lang kayo, mag drop na kayo, hindi kayo sinasunsidize ng gobyerno para mag calls kundi para maging guro!" Kaya yun na ang ending ng pangarap kong maging guro, huminto na ako sa kurso kong BSED- Physics. Gaya ng lahat ng mga estudyante, puyat din kami, sa trabaho at sa review, pero hindi sa inuman AT pag babrowse ng FB para makapaglandi. Kami yung mga dating crew ng mga fast food o kaya sales lady or cashier sa mga boutique na nangarap makatapos ng pag aaral, kaya pinasok ang call center.
Pero sa lahat ng nabaggit kong karakter, pinakamalakas ang LOKi, they are the usual Filipinos that will pull you out from the account kapag hindi sila nakarinig ng pag sang- ayon sa inyo. O kaya terminated ka after a week, they see themselves as Demigods, like there are no Heavenly Karmas.
Pero sa lahat ng sinabi ko, masasabi mo bang, "call center agent lang"?
Gaya ng lahat ng pinoy, kaming mga call center agents ay nangangarap din ng kumpanya na pwede namin pagretiruhan, at gaya rin ng pangarap ng bawat regular na kumpanya, ang kumpanya ng BPO ay nangagarap din na magkaroon sila ng mga empleyado na mag stay hanggang magretiro sila. Pero I can say, working in this industry is so HARD, hindi makakasigurado na sa bawat araw na pagpasok mo ay may dadatnan kapang trabaho, unang, ang mali ng isa, ay mali ng buong kumpanya, pangalawa, kapag hindi ka gusto ng team leader/supervisor mo, sigurado dadaanin ka nila sa fastest way to be terminated, HR employees and management in BPO sucks!! They will just read the Labor Code without having wide understanding, and the nearest scenario na pwede nilang gamitin nila laban sayo para tulungan ang OM mo at TL mo na nanggagalaiti sau at para magmukhang just cause yung termination, they will use it. Kaya kapag pumasok ka sa industry namin, labor code of the Philippines is your bestfriend and NLRC will be at your back to help you out.
Pero wala nabang pangarap ang gobyerno para mapalawig ang batas ng labor para sa mga call center agents?
Siguro panahon na para kumilos ulit ang labor para lagyan ng ipin amg batas laban sa mga biglaang tanggalan sa call center companies, o kaya dapat bigyan ng board exam ang mga HR employees, nagiging mime at tuta ng mga OM at TL sa pagpapatanggal sa mga empleyado.
Pero let me back up a little bit, just a tip, kung gusto tumagal sa kumpanya pero hindi mo gusto TL mo, o kaya isa ka sa mga "bitterest"(not a right word) apple of the eye ng OM mo, make sure na wala silang mahahanap na butas sa trabaho mo, butas sa mukha natural na yan! (Kidding aside) kasi once they see one thing na mali, yung tipomg overtime mo na binayaran na nila at tinrabaho mo na, they will use it against you as a fraudulent act daw. Kung natatawa ka kung paano naging fraud yun, tanong mo sa HR namin na gumawa ng tahi para mapagdugtong lang lahat at gawing just cause ang termination.
Call center is a big industry, a very rich one, but the very dirty one, as every Juan, is getting a lot and lot of air sucked into their heads once they are promoted and got a power, they aleady forgot their valuea, that they are working with their poor countrymen.
Bitin to sigurado, pero gagawan ko pa to ng dugtong, nagising na kasi boyfriend ko kaya mamaya na ulit ako magsusulat.
Mga etiketa:
#agent,
#bpo,
#Callcenter
Lokasyon:
Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)