Biyernes, Hulyo 17, 2015

Call Center Agent

Pauna: Ang mga susunod na impormasyon at mga details ay walang pinagbasehang researches ngunit isang pangarap lamang para sa mga call center companies.

Taong 2009 nung nag start ako mag call center agent, American owned company na nafranchise ng isang mayaman na negosyante ang company. Sa taong ito rin nag spread ang news about agents being positive with HIV that will lead to AIDS. Yung mother ko that time was so afraid na baka daw mahawa ako kasi daw iisang hangin lang ang nilalanghap namin sa opisin, but eventually that news fades away, and another news came in saying that people working call centers were people na pinakamababa sa lahat ng trabaho (please not quote me on this, I'm not sure the exact word of the person na nagpahayag ng panlalait sa BPO society saying "Call center agent lang").



Sa lahat ng batikos, sa lahat ng panlalait na lumabas, nanatiling umuusbong ang industriya ng call center, yung tipong dating college prof, teacher, bank teller, receptionist, government employee, I.T. at halos ata lahat ng klaseng propesyon, pinapasok ang BPO kapag retired na sila o kaya kapag hindi na nagwork sa kanila yung mga dati nilang trabaho, call center ang takbuhan nila.

Sa mahigit kumulang 10- 15 years na ng industriya sa Pilipinas, mostly ata ng taxes na ginagamit ng gobyerno nanggagaling na sa BPO, sa laki ng offer, malaki rin ang allowances, malaki rin ang tax, lahat pa ng government mandated deductions, halos nakapremium, lalo na ang SSS.

Mga hayok! Hindi sa laman, pero sa kapangyarihan sila naman eh yung mga  LOKI (kapatid ni Thor). Dito mo tunay na makikita ang totoong laban ng politika, though wala pa naman akong narinig na pinapatay ni Operations Manager si isang OM o kaya si isang running for Team leader e pinabugbog si isang agent na aspiring din, pero marami na ako nasaksihan na, tipong bestfriend yung dalawang OM pero nung may isa ng ipopromote, e bigla nalang missing in action na yung isang OM na kalaban nya sa posisyon, makikita mo nalang sa NLRC, nag file na ng kaso ng illegal termination, uso nga rin pala ang pork barrel scam, ang kliyenteng American magnibigay ng milyon na budget para incentives, tapos kapag sa oras na dapat ng ibahagi para sa agent, marami ng drama, daig mo pa nanuod ng MMK at Sunday Box Office, lahat ng scenario nangyari, meron yung tipong naholdap kasi si OM habang dala yung incentives, sAsabayan yan ni OM ng ika- ikang paglakad, meron naman si TL bigla nalang ala Gennie, na bigla nalang nawala after hiramin muna yung incentives nungga agent, pero meron din namang mala fairy god mother na OM na talagang ibinabahagi ang incentives ng maayos at pati mismo incentives nila ipapamuod nila sa ahente.

Pero gaya rin ng mga regular na kumpanya, may mga empleyado din na papasok sa trabaho na walang pakialam sa kapangyarihan, basta makakain three times a day, and as long na they can send their children to school, eh okay na! Sila ang wallflower, pero sila ang mga taong masasaya ang buhay call center, unang- una, they treat their co- workers like their family, pangalawa, they work hard and they reap a lot of incentives every end of the month, pangatlo, masaya sila kasi wala naman silang makakaaway na managers or tl, kasi they are like the usual workers of the Philippines, they are good workers, but  are not good followers, kasi they don't aim to be a leader.


Meron namang mga ala Ironman/IronwomAn. Dito naman ako nabibilang, studyante sa umaga, call center agent sa gabi, taong tulog mula 4am hanggang 8am, tapos taong bakal na ulit pag gising, lahat ng Vitamins iniinom, para lang maka graduate, pag pasok sa skul, minamaliit ng mga propesor, minsan nga nakarinig pa ako ng word mismo sa prof ko na, "kung mag ko call center agent lang kayo, mag drop na kayo, hindi kayo sinasunsidize ng gobyerno para mag calls kundi para maging guro!"  Kaya yun na ang ending ng pangarap kong maging guro, huminto na ako sa kurso kong BSED- Physics. Gaya ng lahat ng mga estudyante, puyat din kami, sa trabaho at sa review, pero hindi sa inuman AT pag babrowse ng FB para makapaglandi. Kami yung mga dating crew ng mga fast food o kaya sales lady or cashier sa mga boutique na nangarap makatapos ng pag aaral, kaya pinasok ang call center.


Pero sa lahat ng nabaggit kong karakter, pinakamalakas ang LOKi, they are the usual Filipinos that will pull you out from the account kapag hindi sila nakarinig ng pag sang- ayon sa inyo. O kaya terminated ka after a week, they see themselves as Demigods, like there are no Heavenly Karmas.

Pero sa lahat ng sinabi ko, masasabi mo bang, "call center agent lang"?

Gaya ng lahat ng pinoy, kaming mga call center agents ay nangangarap din ng kumpanya na pwede namin pagretiruhan, at gaya rin ng pangarap ng bawat regular na kumpanya, ang kumpanya ng BPO ay nangagarap din na magkaroon sila ng mga empleyado na mag stay hanggang magretiro sila. Pero I can say, working in this industry is so HARD, hindi makakasigurado na sa bawat araw na pagpasok mo ay may dadatnan kapang trabaho, unang, ang mali ng isa, ay mali ng buong kumpanya, pangalawa, kapag hindi ka gusto ng team leader/supervisor mo, sigurado dadaanin ka nila sa fastest way to be terminated, HR employees and management in BPO sucks!! They will just read the Labor Code without having wide understanding, and the nearest scenario na pwede nilang gamitin nila laban sayo para tulungan ang OM mo at TL mo na nanggagalaiti sau at para magmukhang just cause yung termination, they will use it. Kaya kapag pumasok ka sa industry namin, labor code of the Philippines is your bestfriend and NLRC will be at your back to help you out.


Pero wala nabang pangarap ang gobyerno para mapalawig ang batas ng labor para sa mga call center agents? 


Siguro panahon na para kumilos ulit ang labor para lagyan ng ipin amg batas laban sa mga biglaang tanggalan sa call center companies, o kaya dapat bigyan ng board exam ang mga HR employees, nagiging mime at tuta ng mga OM at TL sa pagpapatanggal sa mga empleyado.

Pero let me back up a little bit, just a tip, kung gusto tumagal sa kumpanya pero hindi mo gusto TL mo, o kaya isa ka sa mga "bitterest"(not a right word) apple of the eye ng OM mo, make sure na wala silang mahahanap na butas sa trabaho mo, butas sa mukha natural na yan! (Kidding aside) kasi once they see one thing na mali, yung tipomg overtime mo na binayaran na nila at tinrabaho mo na, they will use it against you as a fraudulent act daw. Kung natatawa ka kung paano naging fraud yun, tanong mo sa HR namin na gumawa ng tahi para mapagdugtong lang lahat at gawing just cause ang termination. 


Call center is a big industry, a very rich one, but the very dirty one, as every Juan, is getting a lot and lot of air sucked into their heads once they are promoted and got a power, they aleady forgot their valuea, that they are working with their poor countrymen. 

Bitin to sigurado, pero gagawan ko pa to ng dugtong, nagising na kasi boyfriend ko kaya mamaya na ulit ako magsusulat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento